Wednesday, June 21, 2006
Mga Bagong taludtod:Ang gapos ng ulan sa luhaang pusakal
kay tagal inintay ang iyong dalaw
dito sa madilim kong silungan
nagsasasayaw ka sa yero kong bubong
at hinahaplos ang bintana kong hinamog
taglay mong lamig sa puso ko'y nanuot
pinatay ang alab ng aking pusok
anas mo sa lupa sa akin pinabalik
mga binaong, kung sinu-sinong malulupit
mata ko'y basang-basa
inabutan mong muli na ako'y masama
sa isang dipang papag
sa isang platong hapag
may isang baril sa tiyan
sang taon ko muling tangan
dito sa madilim kong silungan
nagsasasayaw ka sa yero kong bubong
at hinahaplos ang bintana kong hinamog
taglay mong lamig sa puso ko'y nanuot
pinatay ang alab ng aking pusok
anas mo sa lupa sa akin pinabalik
mga binaong, kung sinu-sinong malulupit
mata ko'y basang-basa
inabutan mong muli na ako'y masama
sa isang dipang papag
sa isang platong hapag
may isang baril sa tiyan
sang taon ko muling tangan
Comments:
Post a Comment