<$BlogRSDUrl$>

Wednesday, June 21, 2006

Nang Sinisi ng Lungkot ang Lasing at ang Ulan 

Nang Sinisi ng Lungkot ang Lasing at ang Ulan

'Di ako lasing ni 'di ako malungkot.
Tinuturuan ko lang ang aking mga paa
na maglakad ng tama sa ulanan.
Kaliwa. Kanan.
Kaliwa. Kanan.

'Di ako natapilok.
Talagang malubak lang ang daanan
Kukurap-kurap kasi ang poste...o buwan
Patay. Buhay.
Patay. Buhay.

Sadya yatang nakakaantok ang ulan
Panay ang hikab ko, mga mata ko ngayo'y luhaan
Ayan! Tila paliko-liko na ang daan
Kaliwa. Kanan.
Kaliwa. Kanan.

Kaya dito muna ako sa madilim na sulok
Masarap ata ang mag-isip ng nakaupo
Sana lang...di ako...makatulog.
Patay. Buhay.
Patay...

Comments: Post a Comment

This page is powered by Blogger. Isn't yours?